Gusto ko lang ipost/blog yung one the most challenging yet most fulfilling events! Na at the same time, mga kaibigan at malapit saakin :) 


Unang una sa lahat, thank you, bebe and karlo for hiring us to decor and coordinating your wedding! Nakakatuwa kasi sabi nga nila, sa business, strangers ang susuporta sayo... But this is an exemption! 


Kumuha sila sakin ng events styling and OTD coordination, walang pagiisip at pagpili ng iba, una pa lang raw alam na nilang kami ang kukunin 😌


Ka-pep(Mapua Cheerping Cardinals) ko sila parehas, kaya both bride and groom, friends ko.. Si Ate Aly, senior ko sa pep; isa sa Star Flyers namin! Na naging ka-trabaho ko naman rito sa events industry :) Si Karlo, ka-batch ko sa pep at base ko/isa sa mga bumubuhat sakin.. 12years in the making sila kaya nakaka-inspire namang talaga ang love story nila 🥰 


Angtagal na namin pinaguusapan ni ate Aly na ikakasal na sila, pero ending, 2 weeks lang na pagpaplano, kasi may mga di inaasahang pangyayari sa family nila gaya ng pagka-ospital ng papa nila... 


Magkasama kami nuon sa event, Sept 27, may bagyo rin at binaha yung venue... Kaya natakot na si ate Aly mag outdoor, pero sumugal kami sa outdoor wedding kasi yun talaga ang dream ni bebe bride, at ayun nga, binagyo nga! #BagyongPaeng! 


CHALLENGE ACCEPTED! First time rin namin mag ceiling treatment na outdoor, sa parachute tent. Dagdag mo pa na crucial yung venue kasi walang mga pagtatalian sa isang side dahil Lake ang harap- so walang mga puno or establishments.. 


Tapos sobrang lakas ng hangin pati ulan ng ulan. So yung ginagawa namin, nasisira lang rin 😅 Yung string lights, nasira rin kasi nabasa ng ulan ganon kaya on the spot nagwiring wiring kami duon at inisa isa mga wires/ilaw, kung saan ang grounded. Yung scaffolding mahirap itulak kasi nalulubog sa grass/lupa... Mga gamit nababasa... At kung ano ano pang challenges! Isama mo na dun yung kapeng kape na kaming lahat dahil sa sobrang antok at pagod  tapos walang electric kettle haha! 


Ung estimate namin na ingress, tumriple. Galing pa crews sa event ng 27, e 28 ung wedding. Tapos out of town, 3hrs mahigit byahe..  Kaya wala talagang tulog na maayos, salitan sa idlip, tag 1 to 2hrs lang na tulog... Tapos during the event proper, kala ko guest na lang ako, pero ayun, patay sindi ang kuryente sa venue/resort, dahil nga sa bagyo. Kaya troubleshoot ulit! Paulit ulit na trouble shoot before and during the event! 


Kung tutuusin may dahilan na kami para hindi na ipush na maging maganda, kasi may force majeur/acts of God naman na pwede kami ireason out. Like ung string lights pwede naman namin hayaan na sira na lang ung ibang lines.. 


But no!  Super nakaka-proud team work ng crews ko! Walang sumuko! Lahat ng trabaho pinush na mawork out at maging maayos at maganda 🥰 Angsarap sa feeling na nagawan namin ng paraan lahat ng aberya at hinarap namin ang bagyo

at naging successful pa rin ang event! 


Sabi nga nila, may bagyo at maputik man, mawalan man ng kuryente, walang tatalo sa dalawang pusong nagmamahalan 🥰  


Ang pinaka the best duon, pagtapos ng event, sabi ni groom baby @karlo "napaka-ganda, (ilang ulit sinabi), hindi ko ineexpect na ganito (nakatingin sa set up at speechless), maraming maraming salamat wala ako masabi sa ganda" at ni bride bebe @alyssa "bebeeee, ang gandaaaa! (sabay yakap)" ito talaga, yung nakakawala ng pagod 🥰 



Ayun! After this wedding, event ulit ng 29, tapos double event ng 30. 


Ito sa wakas, na-bakante rin at nakapag-post! Pero grind na ulit mamaya hehe.. 


Congratulations and best wishes baby Karlo and bebe Aly!










SHARE 0 comments

Add your comment

© Love, Trish · THEME BY WATDESIGNEXPRESS