๐——๐—œ๐—ฌ ๐—•๐—ข๐—ฅ๐—”๐—–๐—”๐—ฌ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ข๐—ก๐—Ÿ๐—ฌ 4,759.00๐—ฃ๐—›๐—ฃ ๐—˜๐—”๐—–๐—› ๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—œ๐—ก (๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ณ๐—ผ๐—ผ๐—ฑ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€) ๐—ช๐—œ๐—ง๐—›๐—ข๐—จ๐—ง ๐—ช๐—”๐—œ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐— ๐—ข ๐—”๐—œ๐—ฅ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ!

JGH from Boracay 3 days ago!
We went back to Blanchรฉ HOTEL to add signages, house rules, etc. added some more chandeliers, fixed the backyard, and went to the Negosyo Center to process our business permits!
But before this, last December, there were guests na who checked in and we received Amazing Feedbacks!! ๐Ÿ˜ See photos please!
๐Ÿ…“๐Ÿ…ž ๐Ÿ…จ๐Ÿ…ž๐Ÿ…ค ๐Ÿ…š๐Ÿ…๐Ÿ…ž๐Ÿ…ฆ? you can go to Boracay round trip with accommodation and foods na for only 4k+ per pax! Nagroro kami Starlite Ferries Inc kasi 6k+ to 9k+ ang pamasahe sa Boracay that time sa mga economy airlines(air asia, cebu pacific) one way pa lang yun ha! edi mahina ung 12k mo sa pamasahe pa lang. At ako ito business minded ang utak, syempre duon tayo sa tipid! Starlite Ferry na lang kami! ๐Ÿ™‚
mag- ๐—˜๐—ซ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—˜ ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ž๐——๐—ข๐—ช๐—ก muna ko ha ๐Ÿ˜‰


Starlite Ferries - 1,360php round trip = 2,720php (discounted)
Terminal, Environmental, and Boat Fare = 280php (discounted)
E Trike from Port to Hotel = 150php/6 = 25php
Blanche Accommodation 2,000php /2pax = 1,000php
Dinner Buffet = 199php *optional ito, nasa Blanche hotel ang details.
E-Trike Fare to White Beach 15php x 2 way = 30php
Crystal Kayak = 200php
Cook Meals + Baon = 300php (bfast, lunch, bfast, lunch)
E Trike from Hotel to Port = 150php/6 = 25php
Terminal Fee Back Home + Boat Ticket = 180php (discounted)
TOTAL EXPENSE = 4,759php
****
๐ˆ๐“๐ˆ๐๐„๐‘๐€๐‘๐˜ ๐€๐๐ƒ ๐‘๐„๐•๐ˆ๐„๐–๐’
6:30๐—ฃ๐—  ๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฆ ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง
Bago lang rin itong port. Super lamig, linis, and parang airport! Mas maganda pa to sa airport natin ๐Ÿ˜…
7:30๐—ฃ๐—  ๐—˜๐—ง๐—— ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜ ๐—™๐—˜๐—ฅ๐—ฅ๐—ฌ ๐—ง๐—ข ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—–๐—Ÿ๐—”๐—ก
Bago at mas maganda ang Starlite Ferry sa 2GO, actually mas nagustuhan namin dito kesa sa airplane kasi less hassle kesa sa airport and sandali lang ang waiting time! Plus makakagalaw ka pa, may restocafe, may bar, may view decks sa hallway(sa 2go wala, sarado lang sya wallang terrace yung barko). Super lamig sa tourist Class!
Anyways, student discount kami hehe gumamit kami ng school reg cert. Pinaka mura yung reclining seat (see pic for rates). And technique na ginawa namin- isang reclining and isang tourist class. Then nagtabi na lang kami sa isang tourist bed na inavail namin. Yes syempte dahil magkikita at magkikita kayo sa loob ng barko hehe. Pagakyat kasi ng barko, ituturo sa inyo ng staffs kung saan ang seat or bed nyo. May option rin na mag-Cabin! Nag-cabin na rin kami, private room, nung unang sakay namin ng Starlite Ferry.
May 50kg luggage na kasama per head. Kaya kami nag-roro at first dahil marami kaming dalang gamit and furnitures para sa hotel. since 5pax kami nung unang punta- edi 250kg yun! ๐Ÿ™‚ Compared kapag nag airplane ka dba walang check-in luggage na ksma.
9hrs lang byahe nito unlike sa 2go na 12hrs. Mas bago ito kaya mas mabilis!
Super lamig sa tourist class! May shower room rin, and most importantly, may bidet ang CR! hehe. Also, unlike sa 2GO na super lamig rin ng tourist class, hindi mabaho sa Starlite Ferries ๐Ÿ˜…
Wala ka ng gagastusin sa foods, kasi may kasama ng food ang ticket ๐Ÿ™‚ May bar rin pag gabi! So optional na gastos na lang kung iinom ka hehe..
Sobra research ko nung una kung paano magRoro sa Boracay, puro 2GO ang review at wala akong nakitang Starlite Ferry. Sa Batangas Port ko na ito natutunan. Kaya thanks to me ha? Haha! Sa bagong discovery ko na to ✨
๐‘ซ๐‘จ๐’€ 1
5:00๐—”๐—  ๐—˜๐—ง๐—” ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—–๐—Ÿ๐—”๐—ก
Ang maganda pag port, lalakad ka lang papuntang Boracay Port. Kapag airplane kasi, you need transport service pa which is mahal rin pamasahe! So, sa port, the usual, sasakay ka ng boat papuntang Boracay, since it's an ISLAND nga. Yes, para sa mga hindi pa nakakapunta ng Boracay hehe it's an Island kaya magbabangka ka talaga:) So, pay yung fees, and dapat dala mo yung booking confirmation from Blanchรฉ Hotel! Chinecheck sya sa port ang hotel booking. Need rin ng ID syempre. may 20% discount ang fees, sa student.
6:00๐—”๐—  ๐—˜๐—ง๐—” ๐˜๐—ผ ๐—•๐—ข๐—ฅ๐—”๐—–๐—”๐—ฌ ๐—œ๐—ฆ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐——
From Jetty Port, sasakay ka lng ng E-trike then wala pang 5minutes nasa Blanchรฉ Hotel ka na! Kaya super ganda ng location! ๐Ÿ™‚ Nung nagrerenovate kami ng nitong Blanchรฉ Hotel, sa New Coast kami nagchecheck in. Grabe lang napaka layo! 40mins away from port at ang pamasage ginto! 350php ๐Ÿ˜ฃ Kaya masasabi ko na napaka-ganda talaga ng location ni Blanchรฉ Hotel!
Pagdating sa Blanchรฉ Hotel, pwede ka umorder ng kahit ano sa market, idedeliver namin sayo. Pwedeng magluto duon! At unlimited coffee and tea pa all day! So, gumastos lng kami ng 300/head sa mga sangkap na lulutuin, sobra sobra na! Bumili kami ng liempo at isda para i-grill sa gabi! Yes, may BBQ and backyard sa Blanchรฉ na libre lang gamitin ng guests! ๐Ÿ™‚ Kaya sulit talaga ang stay!
7:00๐—”๐—  ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ž๐—™๐—”๐—ฆ๐—ง
So nagluto na ng pang bfast sa common kitchen ๐Ÿ™‚ Pati na rin ung lunch namin na baon! Kasi magpipicnic kami sa beach for lunch ๐Ÿ™‚
Kung tinatamad ka magluto may food delivery rin si blanche hotel ha? Na super affordable rin!
8:00๐—”๐—  ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก 3 ๐—ช๐—›๐—œ๐—ง๐—˜ ๐—•๐—˜๐—”๐—–๐—›
Iiwanan luggage sa reception kasi 2pm pa ang check in. Pupunta na sa white beach! 15pesos per head lang ang E-trike papunta sa Station 3! 3 mins lang na lakad from Blanchรฉ Hotel papuntang Kanto, pagdating sa kanto, Sasakyan nyo ung E-trike na may nakalagay na "Cagban - Yapak"
Bababa ka sa Station 3 makikita mo naman ung arko sa left side papasok sa beach side, syempre sabihin nyo na lang rin sa driver na ibaba kayo sa Station 3. walk trip from Station 1 to 3! Hindi nakakasawa ang Boracay sobra! Been already sa 2 ends of the world. East and West. At Boracay talaga pinaka maganda sakin! Kaya naman talagang no. 1 tourist destination in the world! No doubt kung bakit dito ako nagtayo ng una kong hotel ๐Ÿ™‚ And yes, dream ko talaga magka-hotel! Manifes lang yan, plus sipag at diskarte! At syempre maging mabait at matulungin sa kapwa hehe..
12๐—ก๐—ข๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก 1 ๐—š๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—ง๐—ข
Mahaba habang lakaran yung station 1 to 3, syempre may halong mga swimming na yun kaya medyo matagal rin.
Dapat may dala kayong picnic matt, or kung wala naman (wala ito sa breakdown), 100php lang ang rent, may contact rin kami(makikita nyo sa hotel) yung nagpaparenta ng picnic matt at kayak sa station 1 na mura lang! yun nga 100php lang para sa lahat na ๐Ÿ™‚
Edi lunch picnic na sa beach, relax, chill muna kasi mainit pa. Pero depende sa inyo pwede naman magpa-sunog ka sa beach kung d ka takot sa araw! Gaya namin! Haha!
Ito na rin yng time na magaactivities kayo kung may extrang budget ๐Ÿ™‚ This time, nakapag helmet diving na kami yehey! Last time wala kami time kaya swimming lang talaga. Ay! Nagkayak na rin pala kami 200php/head lang. Kasama na to sa breakdown ko ng expense sa taas! ๐Ÿ™‚ Oh ayan, may trending pics ka na!
5:30๐—ฃ๐—  ๐—š๐—ข ๐—•๐—”๐—–๐—ž ๐—ง๐—ข ๐—•๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—–๐—›ร‰ ๐—›๐—ข๐—ง๐—˜๐—Ÿ
Syempre sinulit muna natin ung sunset. After sunset, uuwi na tayo. Kasi masyadong mahal uminom sa boracay! Eh, ganun rin naman, madilim, d mo na kita ung beach. Kasi, unlike before, may mga gamit sa beach shore mismo. Ngayon pinagbawal na ni Boracay. Baduy!! ๐Ÿ˜ฃ Kaya sa hotel na lang kami iinom!
6:30๐—ฃ๐—  ๐—•๐—•๐—ค ๐—ง๐—œ๐— ๐—˜! ๐——๐—œ๐—ก๐—ก๐—˜๐—ฅ
So syempre ligo, btw, bawat rooms sa Blanchรจ Hotel merong sariling CRs. After nito, ihaw ihaw na! Liempo, Okra, Talong, Isda! SARAP!!
May sari-sari store sa harapan ng Blanche Hotel, kaya makakabili kayo ng alak. Local neighborhood nga pala si Blanche, yung pinaka-hinahanap ng mga foreign travelers kasi gusto nila makita ang culture ng isang lugar. Kaya perfect talaga! Hehe.
Anyways, if tipid ka talaga at may naitatago kang alak sa bahay, dalhin mo na lang! Hehe kasi unlike sa airplane, bawal ang 100ML above na liquid kapag hindi check in. Sa Starlite Ferries, kahit magdala ka ng isang galon na tubig pwede!! Hehehe... Pero no need ha? May unlimited filtered drinking water na rin sa blanchรฉ. Kaya super makakatipid ka talaga! May ref rin ha? Kaya always may cold water and pwede mo rin itabi ung mga natira nyong foods ๐Ÿ™‚
๐‘ซ๐‘จ๐’€ 2
Ito naman free day nyo na to. May mga contacts kami na nakalagay sa hotel. Suggest ko mag land tour naman kayo via E-Trike! Tipid rin ๐Ÿ™‚
5:00๐—ฃ๐—  ๐—š๐—ข ๐—ง๐—ข ๐—๐—˜๐—ง๐—ง๐—ฌ ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง
Need to go home na! Lapit lng ng jetty port sa blanche hotel kaya kahit nga 5:30pm na kayo umalis ng hotel eh. Sobrang sulit ang stay! Kasi nga anglapit! Kapag sa iba ka like sa New Coast area nga, yung 1hr mo iispend mo pa sa byahe papunta lang sa port.
7:30๐—ฃ๐—  ๐—˜๐—ง๐—— ๐—ง๐—ข ๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฆ
5:00๐—”๐—  ๐—˜๐—ง๐—” ๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฆ
P.S. If taga Manila ka, 260php ung ticket ng bus. Buendia or Cubao ๐Ÿ™‚ every hour umaalis ang Ceres Transit, and nasa port na sya mismo. Kaya pag baba mo ng barko makakasakay ka diretso ng bus ๐Ÿ™‚
Btw nung papunta kami, nag-JAM Liner kami, 260php rin. From Cubao iyon diretso na rin sa port. Hassle Free! At may charger pa sila bawat seats ๐Ÿ™‚
*****
Super AFFORDABLE sa Blanche Hotel, maniwala kayo o sa hindi, ito lang yung hindi beach front na sobrang mura pero maayos! Yung mga ka-same ng presyo ni blanche na hindi beach front, parang mga motel hehe... Alam ko marami makaka-attest dito. Si blanche, hotel type talaga! Hihi..
So yun lang! I hope this helps! Share nyo na this post para may future reference kayo kapag plan nyo na mag-BORA. Tag nyo na rin friends nyo at magdrawing! Char! Hehe..



























































SHARE 0 comments

Add your comment

© Love, Trish · THEME BY WATDESIGNEXPRESS