Akalain mo yun, angbilis ng panahon. Naka-kalahati na tayo ulit ng taon. Unang taon ng BACK TO NORMAL. Kamusta naman kayo, guys?


Ako, ito, fighting! Sumasabay na lang sa agos ng buhay... It was a very tough year. VERY TOUGH. And what I know is, I am not alone... 

And sa mga bagay na pinagdaanan ko, may mga bagay rin ako na natututunan... And these are some of it.


1. LOOK BACK - If there come the days that you feel like giving up, think of the things that you cannot do before, that you can do now... Kung dati sobrang saya na natin sa Jollibee Meal, ngayon,hindi na, kasi madali na natin sya nakukuha... Narating mo na kung nasan ka ngayon, kaya ngayon ka pa ba susuko? :)


2. SMALL LIFE CIRCLE BUT QUALITY- As you grow older, your circle will get smaller and smaller. But what's important is the quality, not the quantity. Ok lang na konti, pero solid! Alam mong sasamahan ka sa lahat at hindi ka iiwanan. 


3. FAMILY IS STRENGTH- Ang importante, yung core family mo yung kasama mo, katuwang mo, at hindi kayo magiiwanan... Kung minsan, marami satin, kulang kulang ang pamilya, hindi buo.. O sira-sira. Pero meron at meron kang pamilya, siguro, ung iba, kahit hindi kadugo, yun ang tinuturing na pamilya.  At habang buhay, yun ang strength natin, kaya pahalagahan natin ang ating mga pamilya :) 


4. MAY MGA TAONG DI MO NAPAPANSIN AT INAASAHAN PERO ANDYAN LANG SAYO, PALAGING NAKA-SUPORTA. 


Sa dami ng nangyari, gaya na lang rin ng pagtrending ko ng nakaraan at naglabasan ung haters club ko, at may mga nangsasabotahe sakin, at nawalan ako ng half a million, yung anghina ng income sa wedding events, yung may mga nakalaban sa blanche hotel, nagbridal fair tapos walang nagbook, pag-alis ng tauhan, at kung ano ano pang problema at pagsubok..  sabi ko, gusto ko ng sumuko, gusto ko nlng tangapin na hindi talaga ako magaling, at hangang dito na lang ako, na wag ko na lamang tuparin yung mga pangarap ko. Pero ayun, buti na lang, andyan ung pamilya ko, sila ate kuya ko, ung mga crew ko, si jc, na pinalalakas loob ko at di naman sakin nagsasawa kahit malasing ako at magisip batang umiiyak, at patuloy pa rin ako sinasabihan na magaling ako, mabait ako, at malayo na narating ko, kaya hindi ako dapat sumuko... 

Wag kang susuko, sabi nga nila, hanga't may isang naniniwala sayo, kahit isa lang, may dahilan ka para magpatuloy... Sa mga crews ko, sa mga ilan sa mga kaibigan ko, nagugulat ako minsan bigla na lang sila magchachat, or magcocomment, na totoo sa puso at alam mong may pakielam sakin, pero hnd ko naman nuon napapansin at inaakala... May mga tao rin na hindi nakakalimot, ung mga di mo pa inaasahan, ung isa kong friend kahit artista na sya, nagugulat ako minsan nagchachat kasi naalala ako sa isang post about flowers/wedding..

At, meron rin namang mga tao, na hindi mo aakalain na iiwanan ka, kagya nung isa kong staff na girl, na minahal ko naman ng tunay rin at tinuruan, pero tatalikod sayo sa bandang huli.... O kaya naman, may mga taong akala mo isasama ka sa mga tagumpay nila sa buhay, pero hindi pala... May mga tao rin naman na tinitignan ka palagi at inaalala, pero hindi mo lang napapansin... 

5. DON'T BE WITH THE TOXIC AND UNHAPPY PEOPLE - Iba't ibang klase ng tao ang nasa paligid, kaya importante, na kilala mo kung sino ang mga sinasamahan mo at nilalagay mo sa buhay mo... Yung daddy nila Athena, sinubukan at pinilit ko naman ilagay sa buhay namin pero may mga bagay talaga palang hindi magwowork at nakakagulo sa buhay... Ngayong mas nagmamatured na ako, mas pinipili ko palagi ang PEACE OF MIND sa buhay, sa aking mga pagdedesisyon... At hindi makonsensya sa mga bagay bagay, kung peaceful life ang aking mas pinipili. Hindi rin ako  mahilig makipagkaibigan sa mga uri ng mga taong - mahilig pagusapan ang ibang tao, at mga negativities in life hehe... And I think, it works! To have a peaceful life... 


6. WE ARE NOT PERFECT - May mga taong kagaya ko, na ginagawa lahat ng mabubuti lang na bagay. Dahil takot magkamali, takot gumawa ng kasalanan... But this year, tinangap ko na lang, na minsan ok lang rin magsaya, at gumawa ng konting kasalanan. Dahil kung si Eva't Adan nga nagkamali, tayo pa kaya... Kaya lahat ng mga pinagsasasabi nila para durugin ang pagkatao mo, o sirain ka, DEADMA! Ang importante, masaya ka....


7. GIVE ONLY 80% OF YOUR LOVE. Magtitira palagi para sa sarili.. Siguro, sa dami rami kong naging ka-relasyon at hindi naging successful, it is because I give my 100% LOVE. Ngayon, natutunan ko, na magtitira palagi para sa sarili... Si JC, alam ko sa sarili ko at this time nasabi ko na talaga, na gusto ko makasama itong tao na to habang buhay.... kasi maalaga at mapagmahal, inaalagaan kami buong pamilya... At responsable sa mga obligasyon.. At dahil gusto ko na sya na talaga makasama habang buhay, binibigyan ko ung sarili ko ng 20% para sa sarili ko lamang. Natuto ako na mahalin ko ang sarili ko, sa wakas! Mahalin ang sarili sa pamamagitan ng pag gawa ng mga bagay na ikasisiya ko para sa sarili ko... Magtrabaho ng malaya, na hindi sya humahadlang, at gawin ang mga gusto ko, ng hindi ko kailangan makunsensya... Dahil, habang buhay na nga kami magsasama eh dba, so kailangan balance, kailangan hindi kalimutan ang sarili, hindi pwedeng habang buhay, iikot lang ang mundo mo sa kanya, sa partner mo. Yun pala ang mga mali kong ginagawa nuon... Kailangan pala, may parte pa rin sa buhay, na may kanya-kanya kayo... Edi eto, mas masaya :) Yung nagmamahal ka na malaya ka pa rin :) 


8. SLOW DOWN, TAKE A BREAK. Pag nagbabakasyon ako, hindi talaga ko nagcecellphone, Expert na ata ako dito.. Yung iba kasi, hindi kaya walang cellphone e dba? hehe... Ako expert mode na. Malaking tulong, na minsan, isang linggo, apat na araw o kahit isang araw lang, mag detox ka sa internet. i-appreciate mo ang totoong buhay lalo na ang nature... Tapos pag balik mo, re-start, laban lng ulit! Grind grind ulit para sa mga pangarap at para sa mga mission sa buhay... 





SHARE 0 comments

Add your comment

© Love, Trish · THEME BY WATDESIGNEXPRESS