I'm already 30years old and I didn't know that something really bad, something unexpectedly, can happen to me, that will turn my world full of dreams, upside down.... 


I am in the point of life where I don't know how to start again... How to be strong, and still try... 


Doing things that I really love, makes me strong... And at this point in life, writing is the only thing that I could do... Because I already give up on everything, quit from organizations, resign on my jobs and positions....Give up My dreams, my businesses... And decide to just stay at home, and focus on my family.... 


Oh God, my family, they are my stregth.... My children, they give me hope and inspirations... I have to be strong.. Please never stop protecting us.... I have already sacrificed myself, for my sins, I hope this is enough... Give me strength to stand up again... Give me people who will stand by me... 


I thank you Lord, for giving me people who loves me.... Thankyou for letting me learn my lessons... The hard lessons, that teaches me, that life is really full of Lions... That the wolrd is not so kind, as kind as my heart, that people will take advantage of you.. That people will leave you... That people, will never believe in you, doubt on you.... 



Palagi naman sakin yun sinasabi talaga... Ng lahat ng mga taong nagmahal, at nagmamahal sakin, "Tricia, maam, masyado po kasi kayong mabait", maraming nagsasabi sakin... Pero ako ito, makulit pa rin... Mabilis magtiwala, mahilig magbigay.... 


At nakakapagod rin pala.... Ito na, totoo na, suko na talaga... Ito na talaga yung totoong pagod.... Ito na talaga yung parang nagsisisi ka na, sa mga sobrang bagay na mga pinagagagawa ko, dahil andami kong gusto, angdami kong pangarap, at angdaming taong umaasa sa mga negosyong binuo at sa mga bagay na sinimulan ko....  At takot na takot.... takot na takot dahil lahat ito ay bumabagsak... Para bang bigla na lang akong napatid.... 


Takot na takot makipag-usap sa kahit kanino.. Takot ng lumabas... takot na sa tao... Talagang nilalakasan ko lang ang loob ko... At salamat Panginoon dahil kahit papano, hindi mo kami pinababayaan... Natatakot akong mawalan ng paniniwala sayo... Pero aaminin ko, nagagalit po ako... Feeling ko po pinabayaan nyo rin ako... Pero ito, sa isang banda, naniniwala pa rin po na pagbibigyan nyo ko matamasa yung mga resulta ng lahat ng mga bagay na pinaghihirapan ko.... Kaya tulungan nyo po ako bumangon... Gaya lang po lagi ng dati... Bigyan nyo po ako ng lakas, na makayanan lahat ng pinagdadaaanan... Bigyan nyo pa po ako ng mga taong hindi ako pababayaan at iiwanan hangang sa huli... Tulungan nyo po ako na kayanin tumawid sa kabilang chapter ng  buhay ko, nay mayroon pa ring pananamapalatayo sayo.... 


Masyado na po akong napagod.... Nasagad... Nasagad sa pagtulong sa kapwa, sa bayan, sa komunidad... Salamat po dahil ngayon ay binigyan nyo ko ng pagkakataon at ng excuse, para magpahinga at bumitaw sa mga tungkulin sa buhay.... Na tumigil na sa buhay na puro pagpapaliwanag.. Pagpapaliwanag sa sarili, pagpapaliwanag sa mga kasamahan, pagpapaliwanag sa mga tao na hindi mga makaintindi ng rules and order, terms of agreement... Ayoko na... Gusto ko na lang matira na pagpapaliwanag ay pagpapaliwanag sa mga anak.. sa pamilya... 

Masyado na akong napagod, sa mga taong pilit kang huhusgahan, paguusapan, pagtutulung-tulungan at hanapan ng mga mali sa buhay, upang ako ay mabigo.... Napagod na sa mga haters na simula sa simula, ay mga nandyaan na... Napagod na magpakita ng buhay, na ikaiingitan at ikagagalit ng iba... 


Masyado akong mataas ang ambisyon... Kapag gusto ko, gusto ko,  pag gusto ko para sa mga anak ko, sa pamilya ko, sa aking mga samahan, ginagawa ko basta ako ay may kapasidad... Tuloy tuloy ng akyat ng hagdan at walang hinto... Hindi ko na naisip na ito ay baka maputol... Ito siguro ang mga dahilan ng mga lahat kung bakit saakin ito nangyari at kung bakit kailangan ko itong pagdaanan... Kailangan ko munang huminto at magpahinga.... 


Pasensya na sa mga taong nagchachat at hnd ko pinapansin... Pero gusto ko lang malaman nyo na nakikita ko ang mga messages nyo at salamat.... Mahal ko rin kayo lahat.... Salamat sa lahat ng taong alam kong andyan at solid na sasamahan ako sa buhay, sa gitna ng hirap at saya.... Na magagawang magbigay sakin ng panahon at oras, para mapatawa at matulungan, sa oras ng paghahagpi...


Siguro, ngayon ay oras naman para gawin ko ang mga gusto ko talaga para sa aking sarili... sa aking sarili at pamilya lamang.... At pagtapos nito, ako ay magbabalik na mas mabuti at mas malakas na tao.... 


Sobrang maraming natutunan... Sobrang masaya, oo sobrang masaya.... Ang aking naging buhay ay isang pangarap... Masayang pangarapan... Matagumpay na pangarap.... At sobra ko pa rin pasasalamat kay Papa Jesus, dahil alam kong inihanda nya lang ako sa isang buhay na mas maganda, na mas matalino na ako at mas malakas na ako at may kapayapaan.... 


Bagamat ako'y lumubog sa hukay, hindi ka tumitigil na bigyan ako ng mga bagong karunungan, para malaman ng unti-unti, ang mga susunod na hakbang sa buhay.... 


Salamat, sa lahat ng taong naniwala sakin at sumabaybay sa buhay ko, simula pa lamang nung multiply days and blogger days.... Sabi nga ni Gcash Flashback "Gcash user for 10years", osya, grabe, 10 years na pala yun.... 10 years na rin siguro akong walang pahinga... Pero ito, gumaan ang aking pakiramdam sa pagsusulat... Maaring ito ang isa sa mga paraan para magsimula ako ulit.. Ang magsulat.. Ah ewan.. Hindi ko alam... gusto ko rin magbasa na lang ng magbasa ng mga libro... Magfocus sa music and arts.... Mga bagay na matagal ko ng mga gustong gustong gawin at ipursue...


Ah ewan, hindi ko alam.... Sino nga ba talaga ako? :( 


Maraming salamat sa lahat ng makakabasa... Merry Christmas. and Happy New Year! 

SHARE 0 comments

Add your comment

© Love, Trish · THEME BY WATDESIGNEXPRESS